Huwebes, Oktubre 6, 2011

Simple lang ang Buhay Lagyan lang ng konting Kalokohan (Aking Talambuhay)

Nakakamatay daw ang alak.. pero di ba nila naisip na mas maraming pinapanganak dahil dito?? haha pizz maloko talaga ee..

Ako si Abraham Jacob C. Balingit ipinanganak sa  Malolos, Provincial, Hospital. Nagtapos ng elementarya sa tikay elementary school. naalala ko pa nun hindi ko binibili ng pagkaen ang baon ko sa halip ay itinataya ko sa palabunutan may araw na swerte pero madalas lageng olats kaya nga laging gutom pag uwi haha.. kaya nga bata pa lang ako alam kong  ganun lang talaga ang buhay hindi lahat ng oras panalo ka..

Anim na taon ang nakalipas wow kahit mejo pasaway eh nakapasa  naman pala (akalain mu un..) ako ay nagaral sa mataas na paaralan ng Marcelo H. Del Pilar National High School duon natuto naman ako.. hindi gumawa ng assignment aa.. kundi uminom.. haha nagkaron pa nga ng pagkakataon na sinundo kami dalawa ng classmate ko ng tatlong CAT sa room dahil sa dinrawingan namin ng kalokohan ung mga dingding pati mga test paper ng teacher namin para dalhin sa guidance wow pare ayos.. pinagtitinginan tayo my tatlo pa tayong body guard.. sabi pa ng luko kong kasama.. pagdating dun dahil nga pangalawang balik ko na dun ay pinatawag na ang aking parents pero syempre gagawa at gagawa kami ng paraan para di mapagalitan my nabibili namang magulang sa labas haha at duon na solve ang problema.. napahamak man ako ng minsan lahat yan di ko pinagsisishan dahil sa lahat ng kalokohan ang pagtawa pa rin  ang masaya!!

Apat na taon ang nakalipas sa Bulacan State University ko gusto magaral pero ayun ang baba ng grades at dahil sa cutting di tuloy nakakuha ng ibang course pero ayos lang ngayon isa na kong  BIT-comptech student masaya naman nakakilala naman ng mga kaibigan... Mga mas "UNGAS" na kaibigan haha at nabilang pa sa isang fraternity na Scouts Royale Botherhood na nagmula at binuo ng APO natapos man ang dalawang taon nawala man ang ibang katropa mananatiling maganda at masaya ang paggunita ng bawat ala-ala kalokohan tawanan at kahit anu pa yan.. Ngayong kasalukuyan ay may mga bago ng nkilala mga bagong kakalase bagong pakikisamahan.. minsan talaga sa buhay ng tao kailangan din nating iwan ang mga nakilala natin nakasama pero wag lang natin silang kakalimutan.. ^_^


Kahapon Ngayon at Bukas (maikling tula)


"Sana maulit muli
ang mga oras nating nakaraan"

KAHAPON...
tanghali noon nang una kitang
    nasilayan
hindi ko alam sa dami ng tao sa
     lugar
  sa iyo ako napatingin
Dahil parang may balani sayong
    mga mata
Mula noon naging mabuti tayong
    magkaibigan
Masaya tayo. Kapag may problema
ako
  Nariyan ka para sa akin
Akala ko wala nang katapusan ang
lahat.
"Kung kaya kong iwanan ka
Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
   Di na sana lalapit pa
  Kung kaya ko sana."

NGAYON..
Dumaan tayo sa pagsubok
Hindi ko alam kung anong
   nangyayari
Maraming dahilan maraming
    hadlang
Minsan ko na nagawang iwan ka
Ngunit tadhana ana ang gumagawa
     ng paraan
   Pilit uli tayong pinaglalapit,
      pinagtatago
BUKAS...
Gagawin ko ang lahat na
  Mabalik ang lahat
Ang ating masayang kahapon,
 Ang ating walang sawang
    pagtutulungan
Ang ating walang hanggang
  pagkakaibigan
Sana maulit muli.

Martes, Oktubre 4, 2011

BSU Love Story (maikling kwento)

     Ako si phai 17 years old, serious type di ako pala-tawa mabait naman ako, yun nga lang palagi lang akong nakasimangot. Panu kasi yung parents ko ililipat ako ng school (~_~)...  mag fifirst year college na ako sa pasukan.. sa BSU na raw ako magaaral.. pupunta ako ng GraceLand.. bibili ako ng gamit ko.. andun ako sa bilihan ng damits.. wow domo na damit gusto ko to.. ^^

miss nauna ko dito ee..

ha? akong unang nakakita nito eh..

pero miss nabayaran ko na yan kay ate kukunin ko na lang..

nakakainis napahiya ako dun..

sorry miss ah? 1st come 1st serve.. :P

che! sayo na lamunin mo!!

ang sungit mu naman halikan kita jan ee.. hahahah

ang bastos umalis na lang ako..

ang sarap sampalin ng mga ganung tao.. sayang gusto ko pa naman yun.. isa na lang din kasi.. tsk gusto ko talaga yung domo na un.. bwisit kasi na lalaki un naunahan ako..1st day of school ok naman mababait naman sila.. marami na rin akong nakilalang mga kaibigan, nangingiti na rin naman ako.. maganda naman pala sa BSU :).. isang araw nasa CR ako.. nagsusuklay sa salamin..

kahit anung pagpapaganda mu.. hindi ka na gaganda! ahahahaha!!

huh? may biglang nagsalita sa likod ko..

IKAW?!!

IKAW??!!

Ikaw nanaman lalaki ka?? anung ginagawa mo dito??!!..

ako pa ngayon ha!! dito ko nagaaral eh ikaw anu kamo ginawa mu dito!!??

malamang nagsusuklay!! CR to ng babae eh umalis ka nga rito!!

sorry naman akala ko kase kaklase ko eh!..

palusot ka pa! manyak ka! umalis ka dito sisigaw ako.!! aAhhh!!

hala anu kayang ginawa ko dun??.. (~_~) baliw na ata yung babaeng yun ee.. makaalis na nga..

 ...

anu ba yan dito pa pala nagaaral un..yung lalaking bwisit sa GraceLand.. >.<

dito na pala nagaaral yun. yung babaeng masungit sa GraceLand..

feeling naman nya sa sarali nya!

feeling naman nya sa sarali nya!

(ANG PANGET MO!)

(ANG PANGET MO!)

sana hindi ko makita yung lalaki na yun.

anu kaya section nun ??? maalam nga :>

(simula nun palagi nang inaasar ni jacob si phai, palagi nya itong pinipikon, pero hindi pa rin siya pinapansin ni phai..)


"tigilan mu na nga ako!! >.< nakakasar ka na!!

ako si jacob :)

Jacob Black..

joke lang.. Jacob Balingit :) yan ung buong pangalan ko..3rd year na ko.. (akalain mo un?).. 18 taon gulang.. hindi ako matalino eh.. bugoy sa klase.. at pasaway sa filipino :) pero popular ako nuh.. sa kulit kong to.. ^_^ kaya kilala ako ng lahat.. lalo na sa guidance..suki ako dun ee..sa sobrang sipag ko araw araw akong present dun :)  bestfriend ng parents ko mga tao dun.. actually mabait naman ako ee.. maloko lang talaga.. ^^ masayahin kasi akong tao.. hilig kong mangulit.. lalo na kay phai...wala lang ang sarap niya kasing pikunin e.. panu kasi apakasungit.. kala mu araw araw may dalaw ee.. pero lalo siyang nagalit sakin di ko kasi siya tinantanan.. palagi na kaming tinutukso sa isat isa ee.. pagganyan daw ng ganyan baka kami na magkatuluyan.. hahaha imposible.. :) may girlfriend na ko ee..  himdi ko palang siya nakikita.. pero magiisang buwan na kame..

"mahal ko magkita naman tayo :("

hindi pa pde mahal ko, busy pa kasi kami sa skul eh..

bad3p naman palagi na lang busy : /

...

ako si phai..

gabi na ko makakauwi. Magaayos kasi kami ng stage.. bukas na kasi yung prom.. maya-ya nakita ko nnmn si Jacob.. mukang papalapit nanaman sakin.. pag pinag3pan nnmn ako nito ssampalin ko tlga to..  pero mali ako umupo lang siya sa gilid .. nakatulala.. mukang may problema si Jacob ah.. nilapitan ko siya hindi ko alam bakit ko ginawa yun..

hoy!! bakit ka nandito! mangaaway ka nanaman..!?

hindi wala ako sa mood pag3pan ka..

himala hahaah..

tinabihan ko sya.. na guidance ka nanaman no??..

hindi..

may binosohan ka nanaman sa cr?? ahahaha

wala.. wala ka naman dun eh..

ANONG SABI MO..?!

wala joke lang iwan mu na lang ako..

bakit ba kasi anung problema mo??

wala nga di mo na kailangan malaman..

wag kang magalala mahal ka nun..

hindi nga eh..

(hala may gf pala siya :-o)

weh may gf ka? sa ugali mong yan?? :))

oo naman mahal naman ako nun ee.. at mahal na mahal ko siya..

asus nangarap ng gising.. :)

totoo gusto mu pa tawagan ko ee..

Cge go!!
nilabas niya ang celfone niya at tinawagan niya .. ng biglang nagring yung phone ko..


"Mahal ko :) is calling.... "


ang pag-ibig hndi inaantay pero hindi rin inaagaw.. my mga oras na sayo at my mga oras ding hindi sayo... sa mundong ito may mga bagay tlgang dadating na iba sa inakala natin pero mawawala din tulad ng mga bangkang papel na inilagay mu sa tubig ^_^


Lunes, Oktubre 3, 2011

Ang Alamat ng CPU, Mouse at Monitor

      Sa isang bayan na kung tawagin ay baranggay Cipio ay may nagaganap na isang barilan, may isang pinaliligiran ang maraming tao na nabaril at namatay, isang binata ang napadaan dito na nagngangalang Ram, pilit niyang gustong tignan kung anu iyon, ngunit hindi siya nakalapit,

Tatlong taon ang nakalipas :

      Isang araw habang si Ram ay muling nagtungo sa pamilihang bayan napadaan siya sa isang gubat, may nadaanan siyang isang babae, nakasuot ng itim at may takip ang muka, hindi niya ito pinansin ngunit tinawag siya nito, at sinabing saan siya patungo, nagulat si ram at napalingon , sinabi naman niya ang totoo na patungo siya sa pamilihan upang bumili ng mga kakaibang bagay. may ibinigay ang babae at sinabing magiging malaking parti ito ng kanyang buhay (isang aparato) nagtaka si ram dahil nung makita nya ang babae ay wala naman ang aparatong iyon sa tabi ng babae, tinignan niya at sinuri ito. "kakaibang bagay ito hugis parisukat at maraming bagay ang nakapaloob, magkano ito at bibilhin ko" wika ni ram, subalit ng ibaling na nya ang kanyang paningin sa kinatatayuan ng babae ay bigla itong nawala, muli niyang tinignan ang paligid ngunit hindi na niya ito nakita pa.
iniuwi nya ang aparatong iyon at hindi na tumuloy pa sa pamilihan, wari'y naguguluhan kung para san ang aparatong iyon at bakit sinabi ng babae na magiging malaking parti iyon ng buhay nya. muli niya itong sinuri ngunit hindi niya ito mapagana, lumipas ang mga araw ngunit walang nagapanap na pagbabago sa aparatong iyon kaya't itinago na lamang niya ito.
sa mga sumunod na araw ay nagasya na lamang siya na muling tumungo sa pamilihan
nagpasya siya na sa gubat muling dumaan, nagbabakasakali na muling makita ang babaeng nakita niya nuon ngunit ibang babae ang nakita niya, nakaitim din ngunit walang takip ang mukha, nagpakilala ito sa kanya at naging magkaibigan ang dalawa, simula nuo'y lagi na silang magkasama na tumutungo sa pamilihang bayan, nagkapalagayan sila ng loob at kahit hindi pa lubusang kilala ni ram ang dalaga ay nagpasya na itong suyuin at kalauna'y naging magkasintahan ang dalawa.
ilang buwan ang nakalipas ay nagtungong muli ang dalawa sa bayan subalit isang bagay lang ang pumukaw ng atensyon ni ram, isang dalagang tindera na nakaputi, mahaba ang buhok, maganda ang mga mata at tila isang diwata kung ngumiti, wari'y nakatingin ito kay ram, ngunit di katagalan ay napansin ni mau na may tila tinitignan ito, "anu bang tinitignan mu at tulala ka nanaman, wala namang kakaiba roon" wika ni Mau sa kasintahan, hindi sumagot si ram kaya't nagpasya ng mag'aya umuwi si mau., sa kanilang pag'uwi ay iniisip pa rin ni ram ang babaeng nasa pailihan na wari'y may kakaiba siyang di mabatid.
lumipas ang mga araw ay unti-unti ng lumabas ang tunay na ugali ni mau, palagi na niyang inaawaay si ram at sa kahit na mababaw na dahilan ay nagagalit na ito, nuong nakaraang araw ay sinama niya ito sa pamilihan, isang batang pulubi ang lumapit sa kanya at nanghingi ng limos ngunit imbis na tulungan ay sinabuhan pa niya itong madumi at wag ng lalapit pa, hiayng-hiya si ram sa ginawa nito kaya mula nuo'y hindi na niya ito sinasama pa sa bayan.
sa muli nyang pagpunta sa pamilihan na hindi na kasama si mau ay muli niyang nakita ang babaeng pumukaw ng atensyon niya, nilapitan niya ito at nagpakilala, malugod naman itong pinaunlakan ng dalaga "ako naman si monette kjinagagalak kitang makilala" wika ni monette, nagkwentuhan ang dalawa at di namalayan ang oras, ibinaling ni ram ang paningin sa paligid ngunit nagtaka siya ng makita niyang pinagtitinginan sila ng mga tao na tila ba may kakaiba silang ginagawa samantalang nagkikwentuhan lng naman sila. Nagpaalam si ram at sinabing babalik na lamang ito sa mga susunod na araw, mula nuo'y napadalas na ang kanilang pagkikita at tulad pa din ng dati ay pinagtitinginan na naman sila tinanung ni ram kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga tao kapag nagkikita sila subalit hindi sumagot si monette.
Sa paglipas ng panahon at mga araw na nagkakasama sila'y di sinasadyang mahulog na ang loob ni ram sa dalaga, ipinagtapat naman niya agad ito kay Mau, umiyak si mau at nagalit sinabi nitong hindi siya papayag na sila'y maghiwalay at nagbanta pang sasaktan kung sino man ang babaeng minamahal nito, hindi nakipaghiwalay si ram ngunit sa pagtagal ng kanilang pagsasama ay unti-unti na itong nanlalamig at ramdam na ni mau ang puot nito sa kanya, kaya't sinabi na ni mau na aalis na siya at hindi na babalik pa, walang nakakaalam kung saan siya pumunta at mula nuoy hindi na siya nakita pa.
isang linggo matapos mawala ni mau ay may natagpuan sa gubat na isang itim na bagay na tila isang daga binili ito ni ram at mula nuo'y lagi na niya itong hawak.
sa pagbalik niya sa pamilihan  ay pinuntahan niya si monette upang ayain na pumunta sa pinakamataas na parte ng gubat upang saksihan ang paglubog ng araw at para na rin magtapat ng nararamdaman kay monette,  tulad ng dati ay pinagtitinginan nanaman sila ng maga tao ngunit hindi na ito pinansin ni ram sa halip ay nagtungo na sila sa kagubatan,
habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw kasabay ng mga makukulay na paro-parong nagliliparan ay dito na nagpasyang magtapat si ram, sub alit sa di malang dahilan ay bigla na lamang itong umiyak, sinabi ni ram na kung hindi naman siya nito gusto ay hindi nya kaylangan umiyak dahil tanggap naman niya at kontento na siya kung anung meron sila.
hinawakan ni monette ang mukha ni ram at nagsalita "Ram.. . matagal na kong wala" hndi kta maintindihan? wika ni ram.
"ram patay na ko.."
sinabi ni ram na wag itong nagbibiro ng ganoon subalit pinigil ito ni monette na magsalita at sinabing "namatay ako sa isang barilan sa bayan, tatlong taon na ang nakalipas" nagulat si ram at bigla niyang naalala ang barilang nasaksihan niya nuon eksaktong tatlong taon na ang nakalipas at kaya pala siya pinagtitinginan ng mga tao tuwing magkasama sila ay siya lang pala ang nakakakita kay monette,  imbis na makaramdam ng atkot ay niyakap pa niya ito at sinabing kahit pagtawana pa siya ng mga tao ay ayos lang wag lang siyangt iiwan nito, hindi sumagot si monette sa halip ay niyakap nya na din ng mahigpit si ram ramdam ng binata ang pagmamahal nito kahit pa hindi ito sumagot, hindi katagalan ay binuksan niya ang kanyang mga mata nakita niya ang dalagang unti-unti ng nababalot ng liwanag at nagiging makukulay na paro-paro hanggang sa naramdaman na lng niyang wala na siyang kayakap sa gitna ng nagliliparang paro-paro ay lumabas ang isang bagay na tila isang aparato.
      Kanya itong iniuwi at pinagsama sama ang itim na bagay na natagpuan sa gubat ang aparatong nagsilbing ala ala ni monette at ang aparatong bigay ng mahiwagang babae, itoy napagana niya at ng kanyang gamitin ay hawak niya ang itim na bagay na tinawag niyang MAU at ang puting bagay na lumitaw sa mga paro-paro ay tinawag niyang MONETTE at ang aparatong bigay ng babae ay sinunod niya sa pangalan ng kainlang bayan na CIPIO.

sa paglipas ng mahabang panahon, ang MAU ay tinawag ng MOUSE ang montte naman bilang MONITOR at cipio bilang CPU

(sa akin ka nga nakahawak... sa kanya ka naman nakatingin)
--mouse nagseselos sa monitor ^_^

Huwebes, Setyembre 29, 2011

TUMAL (Sanaysay ng mga ginawa ko nung CICT days)


   Ang CICT days ay isang programa kung saan nabibilang ang mga Computer at Information Technology Students Maraming estudyante ang sabik sa araw na ito, ou yung iba sabik manuod ng mga programang gaganapin pero syempre mas mas gusto ng nakararami ang CICT days dahil WALANG KLASE :) at isa na ako duon.

Unang araw: 
     Sa unang araw ng CICT days ay sabik tlga manuod ng mga magaganap sa activity center pero ng akoy nanuod na at medyo nagtagal na rin ay pinasya ko na rin umalis at tumambay na lang sa compshop, nakita ko ang mga dati kayat nakisali na lamang ako sa kanilang laro at pagkatapos nun ay umuwi na lamang ako.

Pangalawang araw:
     Ako'y muling nanuod upang saksihan ang mga nagaganap sa A.C dahil na rin sa may mga classmate akong kasali sa event na iyon masaya naman palang manuod kung tutuusin lalo na't kasama ang mga kaklase ko at duon na naubos ang oras ko sa pangalawang araw.

Pangatlong araw:
    Hindi na lamang ako pumasok dahil sa tinatamad ako dahil alam kong marami naman sa mga kasama ko ang hindi papasok kaya't minabuti ko na lamang na sa bahay tumulong sa mga gawain marame rin kasing dapat asikasuhin.

Pang-apat na araw:
   Wow matatapos na pala ang CICT days pero  di ko ramdam masyado bukod kasi na iba na ang mga kasama ko di tulad ng mga nakaraang CICT days eh andun pa ang mga classmate kong nakasama ko na ng 2years pero gnun lng tlaga siguro kasama ang mga classmate ko ngayong taon ay muli kaming nanuod at tinapos ang naturang programa.